WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Rider dedbol sa kasalpukang motor

DEAD on the spot ang isang rider nang makasalpukan ang motorsiklo ng kapwa rider sa Dasmarinas City, Cavite Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Rebatis y Baladad, 34, isang pintor, taga-Brgy San Miguel 2, Dasmarinas City Cavite na agad na nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Dasmarinas ang nakabanggaan nitong motorsiklo na si Rannel Visitacion, 20, estudyante, ng San Manuel 1, Dasmarinas City.

Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario ng Dasmarinas City Police, alas-8:55 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa Congressional Road sakop ng Brgy Salitran 3.

Kapwa minamaneho ng biktima at suspek ang kanilang motorsiklo, ang biktima ay sakay ng kanyang Honda Beat habang si Visitacion ay sakay ng Kawasaki Rouser.

Pagsapit sa lugar ng insidente ay nagbanggan ang dalawang motorsiklo na ikinasawi ng biktima habang isinugod sa ospital ang nakabanggaan nito.

Si Visitacion ay sasailalim sa alcoholic breath test. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on