WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Mister timbog sa pagsakal kay kumander

Hindi umabot ng 48-oras, naaresto na kamakalawa ng pulisya ang suspek sa pagpaslang sa 39-anyos na ginang sa Barangay Pandan naturang siyudad noong nakalipas na linggo sa Angeles City.

Kinilala ni ACPO director Colonel Juritz Rara ang suspek na si Danilo Calderon, 42, live-in partner ng biktimang si Mylene Lising Garcia.

Ayon kay Rara, nabigla ang suspek nang bumulaga sa kanyang hideout sa Barangay Dolores, Porac, Pampanga ang pulisya mula sa PNP Station 3 sa pangunguna ni Major Rammel Ebarle.

Sa inisyal na imbestigasyon, selos umano ang dahilan ng pagpaslang.

Nagtatalo umano ang mag-live in noong gabi ng Linggo dahil sa pagseselos ng lalaki hanggang sa sinakal nito ang biktima.

Hindi agad napuruhan ng suspek ang biktima kaya hinubad nito ang pang-itaas na damit ng ka-live in at ginamit sa pagsakal sa ginang hanggang sa mamatay ito.

Sinabi ni Ebarle na bangag sa shabu ang suspek nang patayin ang biktima.

Kapwa nasa drug watchlist ng PNP Station 3 ang suspek at biktima dahil may kinalaman umano ang mga ito sa pagtutulak ng shabu sa kanilang lugar. (Rudy Abular)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on