WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

PBBM binuksan `Pinas sa mga US investor

Binuksan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pintuan ng Pilipinas para sa mga Amerikanong negosyante na nais maglagak ng puhunan sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing sa New York City, personal na inimbitahan ng pangulo ang mga business leader sa Amerika para mamuhunan at makibahagi sa pagbangon ng Pilipinas matapos ang COVID-19 pandemic.

Inilatag ng pangulo sa mga Amerikanong negosyante ang mga malalaking repormang ipatutupad ng kanyang administrasyon para mas maraming industriya ang mapapasukan ng kanilang mga negosyo.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nasa taman panahon ang pamumuhunan ngayon sa Pilipinas dahil sa mga ipinatutupad ng gobyerno na mga hakbang tulad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) na nagbubukas ng maraming oportunidad para mamuhunan sa bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)