WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mall sale inawat sa trapik

Nakikipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall owner para paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga mall goers ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA Chairman Carlo Dimayuga III, pakikiusapan nila ang mga mall operator na huwag na munang magpatupad ng mga sale tuwing weekdays upang makabawas sa trapiko.

Nanawagan din ang MMDA sa mga may-ari ng mall na habaan ang kanilang operation hours at tumanggap na lamang ng mga delivery tuwing gabi upang hindi na sumabay pa sa rush hour.

Ayon kay Dimayuga, target nilang maipatupad sa lalong madaling panahon ang mga hakbangin na ito lalo pa’t pumasok na ang `ber’ month kung saan dumodoble ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, aabot sa 15 porsiyento ng mga sasakyan ang inaasahang madadagdag sa mga lansangan sa Metro Manila habang papalapit ang Kapaskuhan.

Sa ngayon ay aabot na umano sa 400,000 ang mga sasakyan na dumaraan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kada araw kaya naman dahil dito, sinabi ni Dimayuga na mas tututukan pa nila ang mga clearing operation at pagpapaluwag sa Mabuhay lanes.

Dadagdagan din ang mga traffic enforcer at aayusin pa ang sistema ng EDSA Carousel upang mahikayat ang mga may sasakyan na mag-commute na lamang. (Betchai Julian)