Mall sale inawat sa trapik

Pakikiusapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga mall operator na huwag magsagawa ng sale tuwing weekdays upang makabawas sa trapiko lalo pa ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Mga balikbayan box yari sa budol delivery

Inabisuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga overseas Filipino worker na huwag magpabudol sa mga courier delivery service na nag-aalok ng mababang bayad pero pagdating sa Pilipinas ay inaabandona lamang sa ahensiya ang mga padalang balikbayan box.

Bagyong Karding lumakas pa – Pagasa

Sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tatami sa lupa ang bagyong Karding sa araw ng Linggo at bago ang kanyang landfall ay magdadala ng malakas na ulan sa Batanes, Cagayan at Isabela.

Malacañang tikom pa sa werpa ni Rodriguez

Ayaw pang magkomento ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles tungkol sa bagong puwesto ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez. Aniya, hintayin na lang isapubliko ang Administrative Order No. 1 kung saan itinalaga si Rodriguez bilang presidential chief of staff.

SPED program hahanapan pondo ng Kongreso

Tiniyak ni Pasig City Rep. Roman Romulo, chairperson ng House committee on basic education, na kakayanin nilang mahanapan ng budget ang Special Education (SPED) program ng Department of Education na binokya sa 2023 National Expenditure Program.

PBBM binuksan `Pinas sa mga US investor

Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing sa New York City, inimbitahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga business leader sa Amerika para mamuhunan at makibahagi sa pagbangon ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemya.

Miller pasiklab sa FiberXers

NAGLABAS agad ng angas ang Converge import na si Quincy Miller sa pagkolekta ng 38 puntos, 16 rebounds, 1 assist, at 3 blocks upang bigyan ng magarbong binyag si FiberXers coach Aldin Ayo sa 124-110 pagdiskaril kontra Terrfafirma sa 47th Philippine Basketball Association 2022 Commissioners’s Cup elims Biyernes sa PhilSports Arena sa Pasig.

Yu, Letran ariba vs Benilde

NAGBAON si Fran Louie Yu ng mahalagang 12 points, 9 rebounds at tig-6 assists at steals nang dungisan ng defending champion Letran Knights ang Saint Benilde Blazers via 81-75 win sa 98th National Collegiate Athletic Association Season seniors basketball tourney elims Biyernes ng hapon sa The Arena, San Juan.

Antonio sasabak sa Italya

PAPASABOG si Grandmaster Rogelio Antonio Jr. sa 30th FIDE (International Chess Federation) World Senior Championships sa Nobyembre 14-27 sa Assisi, Italy.