WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Pia tindera ng bag: Regine mukhang labandera

Parehong iconic sa kanilang mga larangan. Pero magkaiba ang mga ini-endorsong produkto ng Songbird na si Regine Velasquez Alcasid at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kung dati ay kaliwa’t kanan ang mga beauty product na ini-endorso ni Regine noong kadalagahan niya, ngayon ay panlaba na ang pinu-promote niya.

Dumating na sa punto si Regine na nagsasayaw sa social media kasabay ng isang pamilya para itulak sa mga netizen ang benepisyo ng ini-endorsong panlaba nito. Nakaposte ito sa TikTok, Instagram ng singer.

Si Pia naman, puro poise at emote sa isang tindahan ng mamahaling ladies bag brand, na bongga ang tailored outfit na suot nito at make-up.

Pagkatapos nitong mag-pose sa iba’t ibang anggulo sa store, bitbit nito ang ilang shopping bag galing sa store.

Kung tutuusin ay napakaganda rin ni Regine at pasado pa ito sa mga beauty products, maging brand ambassadress ng mga luxury items lalo’t sangkaterba ang koleksyon niya, pero pang-consumer product na ang tingin sa kanya ng mga advertiser.

Janno nakipagmurahan sa fan ni VP Sara

Palaban pa rin at ayaw paawat ni Janno Gibbs sa pagpatol sa mga supporter ni VP Sara Duterte, naa nagri-react sa kanyang mga padaplis na pagpuna sa kasalukuyang gobyerno.

Ang latest, bumaba na sa kanyang level bilang isang tinitingalang artista at singer si Janno, na nakikipagmurahan na sa mga pumupuna sa kanya.

Pinagmalaki pa ni Janno sa kanyang Instagram ang pakikipagpalitan nito ng “mura” sa netizen na si @topgunz.nyc.

Tinawag na kupal, ulol, bugok, tarantado, ta..ina, demonyo, salot si Janno, kaugnay sa ipinapalagay nitong patama ni Janno sa usapin ng “confidential funds” sa upisina ng VP.

Sa parehong post, ipinakita ni Janno ang mas naga-apoy nyang resbak sa netizen.

Binato naman ito ng singer ng mga salitang “puk..namo!” kasunod nang punto nitong pera ng taumbayan kaya may karapatan syang malaman kung saan ito mapupunta.

‘Yung ibang mga Kakampink na gaya ni Janno, namahinga muna at panaka-naka lang ang patutsada sa gobyerno.

Vicki umalma, ginamit sa mga pekeng produkto

Umalma at nanawagan si Vicki Belo sa taumbayan na huwag tangkilikin ang mga fake na mga video na ginagamit siya na kesyo endorser siya ng kung ano-anong beauty product.

Sa Instagram ginawa ni Vicki ang announcement. Pinasinungalingan niya konektado siya sa mga online site na may mga ini-advertise na mga produkto, sa pamamagitan ng panggamit ng kanyang mga video.

Ayon sa celebrity beauty doctor, ini-edit ang kanyang mga reel, video, nagbibigay siya ng mga advice sa pagpapaganda.

Marami na nga ang nag-report kay Vicki sa panggagamit ng mga nasabing online site para maibenta ang kanilang produkto.