WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Outstanding Asian Star’ Belle dinumog ng mga fan sa South Korea

Ang daming namangha sa pagdating ni Belle Mariano sa South Korea. Ang ganda-ganda naman kasi ng ‘dyowa’ ni Donny Pangilinan, eh.

Well, dadalo nga si Belle sa Seoul Drama Awards 2022 para tanggapin ng personal ang kanyang award na ‘Outstanding Asian Star award’.

Bongga, di ba? Iba rin si Belle. Talagang hindi lang sa Pilipinas siya gumagaw ang pangalan, kundi pati na rin sa ibang bansa, o sa South Korea nga!

At siyempre, nagkagulo ang mga Pinoy sa Korea sa pagdating ni Belle. Gandang-ganda nga sila sa Kapamilya star.

Kanya-kanyang mensahe, support ang mga DonBelle fan kay Belle.

Sabi nga nila, ang lakas talaga ni Belle sa Diyos, na parang lahat ng hinihiling niya ay binibigay nga sa kanya.

“Grabe ang lakas talaga ni Belle kay Lord. Mahal ka naming. Ingat parati. Sobrang proud kami sa iyo!”

“Grabe iyak ako nang iyak. Hindi naman kita anak Belle. Pero, sobrang proud ako sa achievement mo! Huhuhu!” (Dondon Sermino)