WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Nang-ambus sa Cebu Port abogada, anak kinasuhan na

Kinasuhan na ng Mandaue City Police Office (MCPO) ang dalawang suspek sa bigong pagpapatumba sa abogado ng Cebu Port Authority (CPA) at anak nito sa nasabing lungsod nitong Setyembre 1.

Ayon kay Mandaue City Police Office (MCPO) deputy city director for operations Police Lieutenant Colonel Franc Rudolf Oriol, isinampa sa Mandaue City Prosecutor’s Office nitong Setyembre 16 ang tig-dalawang bilang ng frustrated murder laban sa swimming instructor na si Richard Basalo Delibo, alyas ‘Coach Ricky’, 42-anyos, residente ng Sitio Mahogany sa Naga, Cebu at kasabwat nitong hindi pa nakikilala.

Natukoy ang mga ito sa kuha ng CCTV sa lugar at salaysay ng mga nakasaksi sa krimen.

Lumitaw sa imbestigasyon na nais maghiganti ni Delibo nang tambangan nila si Atty. Karen Quinañola-Gonzales, manager sa Business Marketing and Development Department (BMDD) ng CPA, kasama ang 19-anyos nitong anak habang dumaraan ang sasakyan nito sa Hernan Cortes St., Barangay Banilad bandang alas-nuwebe ng gabi.

Ito’y dahil sa pagkakahuli sa suspek mula sa estafa case na hawak ni Gonzales. Nadakip ito sa Metro Manila noong nakaraang taon pero nakalaya matapos magpiyansa.

Dahil dito ay naapektuhan umano ang trabaho nito bilang swimming instructor pati ang kanyang negosyo sa swimming classes at wellness training.