WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Mga Kuwentong Pagkain pakontes ng Mama Sita’s pinalawig hanggang Dec 31, 2022

Ang Mga Kuwentong Pagkain (MKP) na taunang storytelling contest ng Mama Sita’s ay pinalawig ang submission ng entries hanggang December 31, 2022.

Inilunasd noong 2012 ng Mama Sita Foundation para ipagdiwang ang Philippine culinary traditions and foodways ang MKP ay nakalikha ng repository of gastronomic narratives sa buong bansa.

Sa ika-sampung taon ay iniimbitahan ng MKP hindi lang mga Pinoy na lumahok sa talakayan ng pagkaing Pinoy. Kahit sino sa iba’t ibang panig ng mundo na mayroong kuwento sa pagkaing Pinoy ay maaring magbahagi ng kuwento at lumahok sa pakontes.

Ang MKP ay hango sa journal ni Teresita “Mama Sita” Reyes’ na nagbunyag sa culinary adventures at experiences sa pagusulat na kadalasan ay mayroong kasamang mga drawing at scribblings.

Para magkaroon ng puwang sa creativity and style sa pagbabahagi ng kuwentong pagkain ay magkakaroon ng hiwalay na katergorya sa essay, photo at video entries.

Ang mga kalahok ay mananalo ng hanggang P20,000 premyo. I-click ang link para makasali at malaman ang iba pang detalye sa contest: https://tinyurl.com/MKP2022Form o mag-email sa community@mgakuwentongpagkain.com.