WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Marino tumimbuwang sa tandem

Bumulagta ang isang 46-anyos na seaman matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa tapat ng convenience store sa Talavera, Nueva Ecija kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ni Talavera Police Station chief P/Lt. Col. Rannie Casilla ang biktima na si Romeo Manucot Agustin, residente ng Barangay San Pascual sa nasabing bayan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni P/CMS. Adrian D. Ramos na nagmamaneho si Agustin ng kanyang multicab nang dikitan ito ng mga suspek sa tapat ng isang convenienve store sa nasabing barangay bandang alas-12:05 ng hatinggabi.

Matapos itong bistayin ng bala, tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen habang nangangalap ng karagdagan pang ebidensya sa tulong ng mga CCTV sa lugar. (Jojo de Guzman)