WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

LPA malabong maging bagyo, habagat magpapaulan pa

Maliit ang tsansa na mabuo sa pagiging ganap na bagyo at sa halip ay kikilos palayo sa bansa ang namataang low pressure area (LPA) sa loob ng 24 hanggang 48 oras, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astromomical Services Administration (Pagasa)

Sinabi ni Pagasa forecaster Grace Castañeda na walang epekto sa bansa ang lumalayong LPA dahil ang hanging habagat pa rin ang dahilan ng patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Apektado aniya ng aktibong hanging habagat ang Metro Manila, Bataan, Zambales, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Northern Palawan.

Makakaranas aniya ng pagbuti ng lagay ng panahon ang malawak na bahagi ng bansa bukas. (Tina Mendoza)