WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ermat nagbenta ng anak, kasabwat pa kalaboso

Isinelda ang isang 29-anyos na nanay kasama ang kasabwat nitong babae matapos nitong ibenta ang limang araw na gulang pa lang niyang sanggol sa halagang P40,000 sa bayan ng Molo, Iloilo City noong Martes.

Hindi muna tinukoy ng Criminal Investigation Detection Group-Iloilo ang suspek habang iiimbestigahan nila ang posibilidad na may kinaanibang sindikato sa baby for sale ang 53-anyos nitong kasabwat na tumayong ahente sa nabigong bentahan.

Sinabi ng CIDG na nakatanggap sila ng impormasyon na naghahanap ng buyer ang ahente para sa sanggol na kasisilang pa lang, limang araw ang nakararaan.

Agad na naglatag ng operasyon ang pulisya sa Barangay Boulevard sa Molo, Iloilo City kung saan ay agad na dinamba ang ahente nang tanggapin nito ang marked money sa nagpanggap na buyer.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Child Abuse Law. (Kiko Cueto)