WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Beteranong aktor timbog sa cybercrime

Dinakip ng mga tauhan ng Biñan City police ang actor at TV personality na si Dindo Arroyo dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 noong Martes ng gabi.

Inaresto ang aktor, na si Conrado Manuel Ambrosio sa totoong buhay at 61-anyos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Santa Rosa City Regional Trial Court Branch 101 Presiding Judge Rosauro Angelito Sicat David sa kanyang bahay sa Barangay Biñan bandang alas-sais ng gabi.

Nahaharap ang aktor sa dalawang bilang ng paglabag sa Republic Act 10175 o ‘The Cybercrime Prevention Act of 2012’ na may inirekomendang tig-P10,000 na piyansa bawat isa. Nasa kustodiya na ito ng BJMP sa Biñan City.

Hindi nagbigay ng ibang detalye ang pulisya sa nasabing usapin.

Huling lumabas ang aktor sa katatapos lang na teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang kontrabida. (Ronilo Dagos)