WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Kilalanin: Dating nagbebenta ng uling, resto owner na

Kung may pera sa basura, may pera rin sa uling! Ito ang naging kwento ni MJ Loleng, 26-year-old entrepreneur mula Laguna na naging matagumpay sa pagnenegosyo.

Mula sa pagsu-supply ng uling, nakapagpatayo siya ng isang samgyup restaurant at maging ang kaniyang dream house!
Nang simulan umano ni MJ niya ang Ecobriqs, wala pang kalahating taon ay kumikita na siya ng six-digit money. Nagsimula nga raw mag-boom ang kaniyang business noong 2019 sa kasagsagan ng kasikatan ng mga inasal at Korean samgyupsal restaurant.

Dahil sa malaking demand nga raw ng alternative energy, doon niya naisipang i-convert ang coconut charcoal waste para maging coconut charcoal briquette. Ang kaniyang uling business, hindi karaniwang uling dahil smokeless at odorless ito at kayang tumagal nang triple kumpara sa normal na uling.

At hindi na kailangan pang magpaypay sa paggamit nito. Kaya naman patok na patok ito agad sa 15 restaurant na sinu-supplyan niya.

Ngunit ang kaniyang uling business, sinubok din ng pandemya kasabay ng pagsasara ng mga restaurant. Mula sa six-digits na kita, nag-negative nga raw ang kaniyang kita dahil zero na ang sales, may mga expenses pa. Kaya naman umisip siya ng panibagong business.

Sa kapital na 5,000 pesos mula sa kaniyang uling business, nagtayo siya ng kimchi business hanggang sa lumago pa ito at sinabay na rin niya ang uling at butane business. Wala pang anim na buwan, nakapagpatayo na sila ng physical store para sa kaniyang Korean samgyupsal restaurant.

Dahil rin sa pag-uuling, naipatayo rin ni MJ ang kaniyang dream house. Ayon sa kaniya, importante rin ang pagtulong sa iba sa pamamagitan ng kaniyang business. (MJ Osinsao)