WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

5 mag-aaral, guro tinamaan ng COVID-19; balik-eskuwela naantala

Balik online muna ang isang eskuwelahan matapos na magpositibo sa COVID-19 ang limang estudyante at guro sa Tampakan, South Cotobato.

Ayon kay Ma. Teresa Hallegado, information officer ng Department of Education (DepEd)-South Cotabato, suspendido ang balik-eskuwela sa nasabing paaralan simula noong Setyembre 14 hanggang Oktubre 3 alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Tampakan municipal health office.

Ito ay upang maiwasan aniya ang hawaan mula sa mga mag-aaral ng Grade 10 na nagpositibo sa COVID-19 noong Setyembre 10.

Hindi pa bakunado laban sa COVID-19 ang mga nagpositibong estudyante habang kumpleto sa bakuna at booster shot ang nagkasakit na guro.

Aminado si Hallegado na apektado ng suspensyon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral na mahina sa klase pero mas kailangan aniya nilang bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga ito laban sa virus.

Samantala, umapela ang DepEd-South Cotabato sa mga residente rito na mahigpit na sumunod sa health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Vick Aquino)