WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

3 sundalo todas sa Basilan

Nasawi ang tatlong sundalo matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga bandidong una na umanong nakabakbakan ng tropa ng militar noong Hulyo sa Albarka, Basilan.

Kinilala ang mga biktima na sina Corporal Mike Repupunio, Private First Class John Philip Pamplona at Jerweb Capoy, pawang mga miyembro ng 18th Infantry Battalion (18IB).

Ayon kay Joint Task Force (JTF) commander Brig. Gen. Domingo Gobway, tumagal ng 10 minuto ang pakikipagbakan ng militar sa grupo ni Abaas Jangkatan sa Barangay Magkawa sa Albarka, Basilan na nagsimula bandang ala-1:30 ng hapon nitong Huwebes.

Patungo aniya ang mga biktima sa kanilang detachment para palitan sa duty ang mga kasama nilang sundalo nang ratratin sila ng mga bandido.

Gumanti ng putok ang mga ito pero nagapi sila ng mga bandido. Naniniwala si Gobway na gumanti ang mga bandido matapos nilang mapatay ang ilan nitong miyembro nang maka-engkuwentro nila ang mga ito dalawang buwan na ang nakararaan. (Kiko Cueto)