WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

90% ng pulis sa Cebu ikakalat ngayong ‘ber’ months

Iniutos ni Cebu Police Provincial Office (CPPO) director Col. Rommel Ochave ang pagpapakalat ng 90% ng kanilang mga pulis sa lungsod para pataasin ang police vissibility sa paligid ngayong ‘ber’ months.

Ayon kay Ochave, ilalabas ang 90 porsyento ng kanilang mga pulis para magbantay sa paligid habang mananatili naman sa loob ang 10 porsyento pa para sa mga trabahong administratibo.

Samantala, sinabi ni P/Lt. Col. Mark Gifter Sucalit, deputy provincial director for operations ng CCPO na dapat lang na doblehin ang police visibility sa paligid ng lalawigan dahil sa mga ganitong panahon umano tumataas ang kriminalidad hindi lang sa Cebu kundi sa iba pang lugar sa bansa.

Bubuhayin aniya nila ang tactical motor-riding unit (TMRU) na reresponde sa mga alarma mula sa barangay sa mga bundok at liblib na lugar. Magpa-patrol din aniya ang mga ito sa lugar na hindi kayang pasukin ng kanilang patrol car.

Magtatalaga rin aniya sila ng mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng mall, simbahan, parke at iba pang pasyalan na siyang target ng mga kawatan sa panahon ng Kapaskuhan.