WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Hindi pinayagang magmisa, sakristan nanggulpi ng pari

Arestado ang isang sakristan nang bugbugin nito ang pari na tumangging pangunahan niya ang misa sa kanilang simbahan sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay noong Linggo.

Nahaharap sa kasong physical injury ang suspek na si Elizar Sedenio, 40-anyos dahil sa pangugulpi sa biktimang si Father Leo Pugot, 38-anyos ng San Isidro Labrador Parish sa Nazareth sa bayan ng Kabasalan.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Police Provincial Office (PPO) director Police Col. Albert Larubis, nangyari ang insidente matapos magdaos ng misa ang biktima bandang alas-12:25 ng tanghali.

Nauna rito’y kinausap umano ni Sedenio ang pari na payagan siya ng huli para magdaos ng misa noong Linggo. Tumutol ang biktima dahil hindi naman umano ito pari.

Nabigla umano ang lahat nang lapitan ng suspek ang pari pagkatapos nitong mag-misa at sinuntok ito sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Tumawag ng tulong sa barangay ang mga nakasaksing deboto at inaresto ang suspek.

Nabatid na bukod sa pagsasakristan, tumutulong din ang suspek sa paglilinis sa simbahan. (Edwin Balasa)