WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

State of calamity dineklara na sa Mandaue City

Isinailalim na sa state of calamity ang Mandaue City bunsod ng epekto ng matinding pagbaha sa 11 barangay sa siyudad noong Biyernes.

Inaprubahan ng city council sa regular session nitong Lunes ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na ilagay ang lungsod sa state of calamity para agad silang makakilos sa pinsalang idinulot ng pag-apaw ng Butuanon River bunsod ng malakas na pag-ulan noon na hatid ng habagat at bagyong Inday noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay City Social Welfare and Services (CSWS) chief Camilo Basaca, 11 mula sa 27 barangay ang naapektuhan ng pagbaha dahilan para ilikas ang halos 2,000 residente o 400 pamilya rito.

Kabilang sa dumanas ng mula baywang hanggang lagpas ulo na lalim ng baha ang mga barangay ng Alang-Alang, Cabancalan, Canduman, Casili, Casuntingan, Cubacub, Maguikay, Paknaan, Tabok, Tingub at Umapad. (Kiko Cueto)