WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

‘Manny-Marquez 5’ ginagatungan uli

TULOY na tuloy na talaga ang comeback sa boxing ring ni 8-division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Sa pinakahuling ugong, pinaplano rin umano ang fifth fight sa pagitan ng magkaribal na sina Pacquiao at Mexican legend Juan Manuel Marquez na magiging isang exhibition match.

Pero bago ito, nakatakda munang sumalang si Pacman sa exhibition match laban sa Korean-vlogger na si DK Yoo sa darating na Disyembre.

Apat na beses nang nagharap sina Pacman at Marquez, nauwi sa split draw ang una ilang laban taong 2004.

Wagi naman sa rematch ang Pinoy ring icon via split decision noong 2008.

Sa third encounter taong 2011, panalo ulit si Pacquiao sa pamamagitan ng majoriy decision, pero pagsapit ng kanilang encounter, literal na natulog si Manny matapos ma-KO ni Marquez sa Round 6 noong 2012.

Bagaman hindi pa kumpirmasdo ang ulat, sakaling muling magtuos ang dalawa para sa ikalima nilang sabong ay magiging decision maker ito para s fans kahit pa hindi na opisyal ang laban.

Una ring umugong na kasama si Floyd Mayweather Jr sa listahan ng mga nais labanan ni Oacquiao ngunit hindi na ito muling naungkat pa.

Ang nabanggit na beteranong boksingero maliban kay Yoo ay hindi na aktibo kung saan lahat sila ay retirado na sa pro-boxing. (Aivan Episcope)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on