WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Rose, Debbie, Ava, Angela, Jela agawan sa ‘laman’ ni Wilbert

Nakakaloka ang bagong movie ni Wilbert Ross na ‘5-In-1’ sa Vivamax, ha! Imagine, limang babae ang magsasalo sa kanyang ‘pagkalalake’.

Laban-laban nga sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca sa kapirasong ‘laman’ ni Wilbert.

Kasama rin sa ‘5-In-1’ sina Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah, Chad Kinis, at mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

Isa nga itong sexy-comedy Vivamax Original Movie, na kwento ng isang binata na mayroong limang babae sa buhay niya.

Gwapo, certified chick magnet, at successful businessman at CEO ng sikat na coffee brand na 5-in-1 coffee, na kay John “Dick” Jordi (Wilbert Ross) na ang lahat, at kaya niyang makuha ang kahit ano, pati na ang pagkakaroon ng limang girlfriend – sina Mia (Debbie Garcia), Lexie (Rose Van Ginkel), Maria (Ava Mendez), Riley Red (Angela Morena), at Lana Rose (Jela Cuenca).

Pero sa likod ng inaakalang “perfect life” ni Dick, magiging mapaglaro ang tadhana dahil maaga itong babawian ng buhay dahil sa sakit na pinili niyang isikreto. Ang biglaan niyang pagkawala ay magdadala ng gulat at lungkot, hindi lang sa mga naiwan niyang girlfriend, kundi pati na rin sa kapatid niyang madre na si Sister Teresa (Giselle Sanchez).

Dahil sa biglaan pagpanaw ni Dick, hindi alam kung sino ang bagong magma-manage sa naiwang coffee business nito. Magiging sakit din ito sa ulo ni Sister Teresa dahil hindi niya alam kung sino sa limang girlfriend ni Dick ang pinakaminahal niya at karapatdapat na maging bagong CEO ng 5-in-1 coffee.

Dito maiisip ni Sister Teresa ang idea na hayaang magbigay ng eulogy ang mga girlfriend ng kanyang kapatid, at mula sa mga kwento nila ay matutukoy niya kung sino ang “The One” at magiging bagong may-ari ng 5-in-1 coffee. Sa pag-alala nila sa naging buhay nila kasama ang binata, ibabahagi nila ang masasaya at makulay na kwento ng kanilang relasyon, pati na ang mga sexual experiences na pinaranas ni Dick.

Sino nga kaya sa kanilang lima ang deserving na maging “the one”? Isa nga ba sa kanila? O baka naman lahat sila? (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on