WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

‘Sabong On Air’ pasok sa finals

SWAK ang entry na ‘Sabong On Air’ sa finals ng “RGBA 6-Stag Early Bird Derby” matapos magpakitang-gilas ang mga warrior ni Ka Rex Cayanong sa eliminations.

Nakatakdang pumupog ang mga pandiin na panabong ni Cayanong ngayong araw sa bibitawang 3-stag finals sa RGBA Teresa, Rizal Cockpit.

Ipinatupad ang format na 3-3, ang nasabing P2M event na pa-derby ng RGBA ay may pot money na P4,400 at minimum bet na P5,500.

Showtime ang mga binitawan ni Cayanong sa elims kaya sumampa sa finals matapos umiskor ng perfect three points.

Pero tiyak na mapapalaban ang ‘Sabong On Air’ dahil nakapasok din ang mga tigasing breeder na may entry name na Mercedes, Green Archer, CB-2, Kalakian Trucker, Kepweng 2 at Tres Resto Siniloan 2.

Maliban sa nabanggit na entries, may 14 pa na nakalikom ng tatlong puntos ang posibleng makalaban ng ‘Sabong On Air’.

Sampa rin sa finale ang mga naka-iskor ng 2.5 at 2.0 points kaya umabot sa 45 entries ang magpapaluan sa ruweda.

Pagkakataon ni Cayanong na masiilo ang panglimang kampeonato ngayong taon at masungkit ang tumataginting na P1.2M na premyo. (Elech Dawa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on