WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Matteo kinontra paniniwala ng mga Pinoy

Nag-spark ng debate sa mga netizen ang ginawang paglublob muli ni Matteo Guidicelli sa nagyeyelong tubig matapos ang heavy workout. May ilan kasing naniniwala na nakakapasma ang paliligo pagkatapos ng matinding sports activity.

Mas hardcore pa nga kung tutuusin ang ginagawa ni Matteo nang literal na mag-cool down siya sa isang ice tub.

“Time to get cold guys! After every hard session comes the ice tub,” caption ni Matteo kung saan sa video ay makikitang pinuno ng yelo ang isang portable tub, at saka dito lumublob ang asawa ni Sarah Geronimo.

Comment ng mga netizen:

“Pasma is waving lols.”

“After mong nagpagod sa exercise, babad ka na agad sa lamig? Hindi kaya pagtanda mo arthritis ang aabot sa mga muscles mo? Pasma ang labas mo niyan pagdating ng araw.”

“Nice one. Cryotherapy has anti inflammatory effect especially after training or workout. And it has a lot of good benefit in our body.”

Base sa research, marami nang atleta ang hindi naniniwalang nakakapasma ang paliligo matapos ang activity. At ang pagbabad sa tubig na may yelo ay nakakatulong umano para ma-repair ang muscle na napuwersa dulot ng matinding workout, nakakaginhawa sa pagod na katawan. Siguraduhin lang na huwag itong gagawin nang madalas at kailangan 10-15 minutes lamang.

Isa pa sa tila binabasag na paniniwalang Pinoy ni Matteo ang debate tungkol sa kung okay ang pineapple sa pizza.

“I can’t believe these people said yes to pineapples on pizza. What?!” say pa niya sa kanyang IG story.

Marami kasi sa AXN’s “Millennium Cooking Philippines” participants na bet ito.

Mula sa Italian family si Matteo, kung saan kilala ang pizza bilang staple food doon. Nagtayo pa nga siya ng restaurant dito na Da Gianni Cucina Italiana kung saan naghahain sila ng pizza, pasta, atbp. (Batuts Lopez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on