WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Aphrodite sakalam

NAGWAGI ang kabayong Aphrodite sa Philracom Rating Based Handicapping System nitong Linggo sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Sinakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, nirehistro ni Aphrodite ang tiyempong 1:26.6 sa 1,400-meter race upang sungkitin ng connection nito ang added prize na P20,000.

Hinamig naman ng winning horse owner ang P5,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De leon.

Dumating na segundo si Bigmouthbernie, tersero si Goldbar habang pumang-apat si Manila Boy.

Ayon sa mga karerista na nanood sa Metro Turf, masaya ang kanilang paglilibang dahil sa mga balanseng lineup ng karera lalo na ang stakes race na sinalihan ng mga batang kabayo.

Samantala, pitong races ang pakakawalan ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on