WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Tamang regulasyon ipatupad ‘pag e-sabong binalik

Magiging propesyonal at kontrolado ang pinakahihintay na pagbabalik ng e-sabong sa bansa para maibsan ang pangamba ng publiko hinggil sa mga negatibong epekto nito sa lipunan.

Ito ang ipinahayag ng tagapangulo ng Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines Batangas na si Fermin Solis dahil nakikita niyang malaki ang potensyal ng industriya na lumago.

Aniya, naiintindihan niya na may mga batas na dapat sundin sa komunidad ng pagsasabong at dapat, aniya, itong masunod upang maipakitang propesyonal ang naturang industriya.

“Lahat naman ng bagay ay tama na mayroon dapat regulasyon, sapagkat tayo ay pumapasailalim sa batas. At maganda na rin naman na bagaman marami ang nakikinabang sa industriya ng [e-sabong]… dapat maipatupad ang tamang regulasyon,” sabi ni Solis sa isang press conference sa Pitmasters Live.

Sinabi rin ni Solis na malaki ang maitutulong ng pagiging propesyonal ng e-sabong sa mga beterinaryo, feed suppliers, at iba pang industriya dahil makapagbibigay ito ng hanapbuhay at kita sa iba’t ibang tao.

Para naman kay GAPP Bulacan President Maw Acierto, dapat kontrolado ang paglalagay ng pera sa e-sabong dahil dinisenyo ito upang maging hanapbuhay.

Una nang sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na dapat na magkaroon ng independent regulator ang e-sabong dahil sa laki ng perang kaakibat nito.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on