WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Panabong ni Rex sisiyapol sa 6-Stag

Ka Rex Cayanong

IBABANGGA ni Ka Rex Cayanong ang kanyang pambatong panabong laban sa mga tigasing breeders sa Sta. Rosa Cockers Alliance 6-Stag Derby Circuit na bibitawan sa state-of-the-art RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

Kasama ang ‘Sabong On Air’ ni Cayanong sa 36 miyembro na entries sa Team C na pa-derby ng SRCA na itinatag nina Dave Lao, Boy Royo at Richard Perez.

Inaasahang dadaan sa butas ng karayom ang ‘Sabong On Air’ bago makuha ang inaasam na korona dahil nagsaad din ng pagsali sina Edwin Tose, Arman Santos, Honey Yu ay Boy Magbuhos sa event na may pot money na P33,000 at minimum bet na P11,000.

Maglalaban na batang manok ay mga WPC-banded (Early Bird) na may timbang na 1.700 kgs. hanggang 2.200 kgs. at para naman sa reservation ng cock house ay makipag-ugnayan kay Royo sa 0917-5450309..

Puntirya ni Cayanong na masilo ang pang-limang kampeonato ngayong taon kaya tiyak na matitibay at mahuhusay na warriors ang ihaharap nito sa kanyang mga karibal.

Ang ibang nagdeklara ng pagsali ay sina Jodi Dimayuga, Mayor Maxim Lazaro, Jojo Ortega, Baby Canillas, Jeff Masungsong at Edil Aguilar.

Ang susunod na Leg ay sa Agosto 25 kung saan ang Team D ang magbabakbakan sa ruweda. (Elech Dawa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on