WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Coronavirus sa NCR tuloy pagbaba

Bumaba ng 15% ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Guido David ang pagbaba ay naobserbahan nitong Agosto 14 hanggang 20 kumpara noong nakalipas na linggo.

Ang positivity rate naman ay bumaba sa 14.6% mula sa 16.3% habang ang hospital care utilization rate ay nanatili sa 37%.

Iniulat rin ni David na ang reproduction number o ang bilang ng tao na maaring mahawa ay nasa 1.03 mula noong Agisto 18 na mas mababa sa 1.11% na naitala noong Agosto 11.

Sinabi pa ni David na may 2 linggo nang kinakitaan ng pagbaba sa positivity rate sa NCR. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on