WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Taas-presyo pa more! P2 sa krudo nakaamba

Matapos ang pitong sunod na linggo ng rollback, nakaumang ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base umano sa unang apat na araw ng trading, sinabi ng oil industry source na ang presyo ng diesel ay aakyat ng P2 hanggang P2.20 kada litro.

Nakikitaan naman ang gasolina ng pagtaas na P0.10 hanggang P0.30 kada litro.

Sinasabing ang tinatayang price adjustment ay maaring magbago, depende sa resulta ng trading kahapon.

Sinabi naman ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na tataas nga ang presyo ng krudo sa susunod na linggo kung saan papalo ang diesel sa P2 kada litro gayundin ang kerosene habang ang gasolina ay nasa P0.25 kada litro.

Kadalasang ipinatutupad ang dagdag o bawas-presyo ng langis tuwing Martes. (Kiko Cueto/Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on