WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mayor sa anak: Malaki ka na, panagutan mo ‘yan

Nanindigan si Calatrava, Negros Occidental Mayor Marilyn Era na nasa hustong gulang na ang kanyang anak para harapin ang pagkakadakip nito sa isang buy-bust operation nitong Miyerkoles sa San Carlos City, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa alkalde, nakahanda siyang tulungan ang anak pero hindi niya kukunsintihin ang bisyo nito.

“Matanda na siya para malaman ang tama at mali. Kung ano ang maitutulong ko, gagawin ko pero hindi ko siya kukunsintihin sa droga. Bahala siyang harapin ang kaso niya,” ani mayor.

Iginiit ng alkalde na hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa anak na maglubay na sa paggamit ng ilegal na droga pero matigas umano ang ulo nito.

Kabilang ang anak ng alkalde na si Nestor, 40-an­yos, sa tatlong katao na dinakip ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay 6, San Carlos City noong Miyerkoles.

Arestado sa operas­yon ang target ng pulisya na si Chito Atienza, 46, at Rosalia Nemenzo, 60.

Kinasuhan sila ng paglabag sa Section 5 (sale of illegal drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nagpositibo rin ang tatlo sa ilegal na droga.