WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

7 senador na sapol! JV, Nancy nahawa ng COVID

Nagpositibo rin COVID-9 sina Senador Joseph Victor `JV’ Ejercito at Nancy Binay.

Sina Ejercito at Binay ay pang-anim at pang-pitong senador na nagpositibo sa virus ngayong buwang ito.

“Tested positive for COVID-19 according to RT-PCR test yesterday morning, result of which was e-mailed late last night,” sabi ni Ejercito sa kanyang Viber message sa mga reporter.

Aniya, wala naman siyang nararamdamang sintomas sa kasalukuyan.

“No symptoms at all. Just had myself tested yesterday because so many senators are now positive,” ani Ejercito.

Kinumpirma rin ni Binay na nagpositibo siya sa virus at nag-self-isolation na sa kanilang bahay.

“After more than two years of consciously observing all protocols to avoid the virus, it is unfortunate that yesterday, I tested positive for COVID-19,” sabi ni Binay.

Una nang nagpositibo sa coronavirus sina Senador Imee Marcos, Grace Poe, Alan Peter Cayetano, Cynthia Villar at Joel Villanueva.

Samantala, isasailalim sa lockdown ang Senado sa Lunes para bigyang daan ang paglilinis at pag-disinfect sa buong gusali ng kapulungan, batay na rin s autos ni Senate President Juan Miguel Zubiri. (Dindo Matining)