WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

30 haybol naabo sa Pasay

Aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang kabahayan nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasay City, sumiklab ang sunog sa bahay ni Arnold Lisondra, tricycle driver, sa Dimasalang St., Barangay 113 sa lungsod. Pinaniniwalaang nagmula ang sunog sa electric fan na naiwan nitong nakasaksak nang umalis siya ng bahay bandang alas-6:45 ng gabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal ng mahigit isang oras. Ganap itong naapula ng alas-8:15 ng gabi.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog habang inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on