WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

2 biyahero bagong monkeypox case sa PH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawa pang indibiduwal na nahawa ng monkeypox.

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na tatlo na ngayon ang kabuuang bilang ng dinapuan ng monkeypox sa bansa.

Ayon sa DOH, kabilang sa dalawang bagong kaso ng monkeypox ay edad 34 at 29 na parehong bumiyahe sa mga bansa na kumpirmadong may monkeypox.

Nalaman na naka-home isolation ang 34-anyos habang nasa isang health facility naman ang 29-anyos.

Inaalam pa ang mga naging contact ng 34-anyos habang may 17 contact naman ang nakilala sa 29-anyos at bineberipika pa ang kanilang status.

Tumanggi naman si DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na magbigay ng detalye sa pagkakakinlanlan ng dalawang bagong kaso ng monkeypox para sa proteksyon ng kanilang pribadong buhay.

Unang nagkaroon ng kaso ng monkeypox sa bansa noong Hulyo 29 kung saan ayon sa DOH ay gumaling na at hindi naman nakitaan ng sintomas ang 10 close contact nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on