DepEd: Mga guro may P5K ayuda sa balik-eskuwela

Magandang balita ang sasalubong sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 22 matapos ianunsyo ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap sila ng P5,000 na tulong-pinansyal.

`Pinas `dumugo’ ng $1.8B sa bayad utang

Umabot sa $1.8 bilyon ang lumabas sa Pilipinas noong Hulyo dahil nagbayad ang pamahalaan ng interes at ng utang sa ibang mga bansa bukod pa sa mas marami ang inangkat kaysa export.

Mag-utol kalaboso sa pekeng videocard

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang online seller na magkapatid dahil sa pagbebenta ng pekeng videocard sa halagang P4,500 sa Pasig City nitong Huwebes.

30 haybol naabo sa Pasay

Aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang kabahayan nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Mayor sa anak: Malaki ka na, panagutan mo ‘yan

Nanindigan si Calatrava, Negros Occidental Mayor Marilyn Era na nasa hustong gulang na ang kanyang anak para harapin ang pagkakadakip nito sa isang buy-bust operation nitong Miyerkoles sa San Carlos City, sa nasabing lalawigan.