WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

US senator, delegado binawal ng PNP makausap si De Lima

Hindi papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga mambabatas mula sa Amerika na pinamumunuan ni Senator Edward Mackey na makipag-usap sa nakakulong na si dating Senator Leila de Lima kung plano nila itong bisitahin sa custodial center ng PNP.

Subalit siniguro ni PNP Public Information chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba na ibibigay nila ang mga kailangang gawin at tulong sa mga bisitang mga dayuhang mababatas.

“The PNP will extend utmost courtesy and assistance to a foreign delegation from the US Senate that will check on the conditions at the PNP Custodial Center in Camp Crame, consistent with existing guidelines and procedures on visitorial privileges in the detention facility,” pahayag ni Alba.

“The Headquarters Support Service is, in fact, prepared to present a briefing for the visiting delegation. However, such accommodation excludes direct interaction with any Person Under Police Custody (PUPC) confined in the detention facility, particularly PUPC committed by the Court to PNP custody,” dagdag na paliwanag nito.

Kinakailangan umanong humingi ng permiso ang mga dayuhang mambabatas sa korte upang madalaw at makausap ang isang Person Under Police Custody (PUPC).

Bukod dito ay pagsunod din sa health and safety protocols dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19.

May 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP at isang bagong kaso sa Camp Crame ang naitala kahapon.
Napag-alaman na plano sanang bisitahin kahapon ng mga mambabatas mula sa Amerika si De Lima na halos 2,000 araw ng nakakulong dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na ipinaliwanag naman ang tamang protocol sa mga foreign lawmaker na naintindihan umano ng mga ito. (Edwin Balasa)