WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

SBP abangers kay Clarkson

MALIBAN sa anumang posibleng maging sagabal, inaasahan ngayong hapon ang pagdating ng Utah Jazz guard at dating Sixth Man of the Year ng National Basketball Association (NBA) na si Jordan Clarkson upang samahan ang iba pang miyembro ng naghahanda na Gilas Pilipinas pool para sa ikaapat ng window ng FIBA World Cup QualifierS.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director at spokesperson Sonny Barrios na nakatakda ang pagdating ng Filipino-American ngunit maglalaro bilang naturalized player na si Clarkson Biyernes sakaling wala itong maharap na mga sagabal sa pagbiyahe base sa ipinapatupad na mga health at safety protocols.

Umaasa din si Barrios na darating anumang oras kahapon, Huwebes, ang 7-foot-3 na si Kai Sotto na manggagaling sa Australia patungo sa Maynila para makasama rin nito ang mga dating kasamahan sa pambansang koponan.

“Huwag naman sanang magkaroon ng mga sagabal sa kanilang pagpunta dito sa atin,” sabi ni Barrios.

Samantala’y kahit nakalasap ng kabiguan na makatuntong sa kampeonato ay nakahanap ng katuwaan ang trio nina Allein Maliksi, Raymond Almazan at Chris Newsome na magkakasamang muli sa paglalaro sa Gilas Pilipinas.

Bagaman pagod at masakit ang katawan sa pagtatapos ng matinding Game 7, sunod na responsibilidad ng trio ng Meralco na sina Maliksi, Almazan at Newsome ang makasama sa national pool na nagsasanay para sa darating na fourth window ng FIBA tournament. (Lito Oredo)