WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Pilipinas sentro ng Esports sa mundo

MAITUTURING nang sentro ng Electronic at Digital Sports ang Pilipinas pagdating sa pandaigdigang larangan matapos ibida ni Ariel Gutierrez ng ESports World Federation (ESWF) ang nakuhang karangalan bilang pangunahing amateur governing body ng Esports sa mundo.

Ipinagmalaki ni Gutierrez na apat na Continental Federation ang nasasakupan ng kanilang pamunuan na kinabibilangan ng Amateur Europe Esports Federation ni Valery Kolganov ng Israel; Organization of African Electronic Sports ni Igor Boumekpo ng Ghana; Pan-American Esports ni Christopher Byrne ng Canada, at Asia-Pacific Electronic Sports Confederation sa pamumuno ni Santanu Basu.

“The Philippines is now the Mecca of ESports. Officially, tayo na ang Esports capital in the world,” pahayag ni Gutierrez sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS ) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City. “Kung yung International Olympic Committee (IOC) ang siyang governing body sa lahat ng traditional sports at organizers ng SEA Games, Asian Games at Olympics, ang ESWF ang siyang sentrong sports body para sa ESports. After years of planning and study and support of all Esports International Federation, particularly the China-based General Association of Asia Pacific Sports Federations (GAAPSF) whose president is now the vice president of IOC, naisakatuparan natin ang matagal ko nang pangarap,” dagdag ni Gutierrez sa lingguhang sports forum na itnataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Pagcor at Behrouz Restaurant.

Idinagdag rin ni Gutierrez na kasalukuyang nakikipagtulungan ang kanilang grupo sa Department of Tourism (DOT), kung saan bahagi rin ito ng Sports Tourism Group, na opisyal na ilulunsad sa gaganaping Tourism Sports ESports Business sa November 25-28 sa SMX Clark sa Pampanga.

“Ito bale ang kickoff program ng ESWF, magsasagawa taio ng conference and seminars. May exhibits dahil part ito ng digitalization project ng DOT. May gagawin din tayong tournament sa Battle Royal PUBG na lalahukan ng mahigit 100 teams ng mga member organization natin. May online qualifying tayong gagawin before the main event,” sambit ni Gutierrez. (Gerard Arce)