WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Perez donselya sa PBA Finals

Laro sa Linggo/Agosto 21: (Smart Araneta Coliseum)
Game 1/Best-of-7 Finals
6:00pm — San Miguel vs TNT

FIRST timer sa Finals ang mga tulad nina CJ Perez, Jericho Cruz, Simon Enciso at Rodney Brondial ng San Miguel Beer, mabibinyagan sila sa PBA Philippine Cup laban sa defending champion TNT.

Mahalaga pa ang papel ng tatlo sa ratsada ng Beermen buong conference, huli sa seven-game series sa semifinals laban sa Meralco.

Umararo si Perez ng 18 points, 9 assists, 5 steals, 4 rebounds at 2 blocks sa do-or-die Game 7 sa semis.

“Matagal na kaming hindi umabot sa finals, 3 years,” ani June Mar Fajardo, lima sa koleksiyon na championship ay galing sa all-Filipino.

Basag na rin ang dating Killer 5 ng SMB, wala na sina Alex Cabagnot at Arwind Santos. Naiwan sina June Mar, Marcio Lassiter at Chris Ross, nadagdag sina Mo Tautuaa at Vic Manuel.

Huling nagkampeon ang San Miguel noong 2019 Commissioner’s Cup kontra Tropang Giga.

Dominante sa 100-89 series-clincher si Fajardo sa kinamadang 29 points, 14 rebounds, may 18 markers si Perez.

“In a tournament, hindi kinikilala ‘yung second placer, eh,” ani coach Leo Austria, desididong sungkitin ang sariling 9th ring – 6th sa PH Cup – at ihatid ang Beermen sa league-leading 28th championship. (Vladi Eduarte)