WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Naglalakad na nakahubad

Anong ibig sabihin ng panaginip na naglalakad ng nakahubad sa kalye? Napanaginipan ko to nito lang nakaraan, pero sa panaginip ko hindi ko alam kung saan ako naglalakad dahil parang panibagong lugar daw ‘yun aware daw ako na wala akong suot na damit at parang wala akong pakialam kung may tumitingin.

– P

Kadalasan, uncomfortable ang feeling kapag gantong nakikita nating hubad ang isang tao sa publiko, lalo na marahil kung tayo mismo ang nakabuhad at nakikita ng iba pero sa panaginip, nagre-reflect ito sa kung gaano ka kasigurado sa sitwasyong kinalalagyan mo ngayon.

Depende kung gaano ka kakomportable o hindi komportable, indikasyon ang panaginip na ito na naghahanap ka ng mas malalim na kahulugan ng iyong buhay ngayon.

Nagbibigay rin ito ng babala na kailangan mong magpokus sa problema o sitwasyon at task na kinalalagyan mo ngayon.

Marahil, nakukulangan ka rin sa satisfaction, tiwala, at confidence sa sarili mong performance. Kailangan mong i-assess ang iba’t iba mong ginagawa ngayon para makita mo kung saan ka dapat na mag-improve.

Ang konsepto rin ng kawalan ng saplot sa katawan ay isang panawagan mula sa iyong unconscious na hindi mo nakokontrol ang feelings mo. Sign ito ng kawalan ng accountability sa mga aksyon na ginagawa mo at sa paninindigan sa mga bagay na pinaniniwalaan mo.

Mayroon ding kahulugan ang lokasyon kung saan ito nangyari. Kung sa isang eskwelahan, sinasabi nito na kailangan mong huminto sa pagtatago sa problema at alamin ang mga paraan maresolba na ang mga ito.

Kung sa trabaho naman, nangangahulugan ito na hinahayaan mo ang ibang tao na komontrol sa iyo o masapawan ka kahit na pareho lang naman kayo ng effort. Dahil dito, nahihirapan kang ma-promote sa trabaho.

Kung sa isang grocery story naman, may koneksyon ito sa insecurity mo pagdating sa pera. Marahil may mga kakilala ka na mas malaki na ang sinusuweldo ngayon kesa sa iyo.

Ang kawalan ng kasuotan ay sumisimbolo sa pagkakaroon mo ng pagpipilian sa mga mangyayari pa sa buhay mo. Konektado rin ito sa guilt, shame, at rejection. Kaya dapat mong komprontahin ang mga bagay na nagpapabigat sa iyo para umabente sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on