WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Mga Fil-Am iyakan sa ‘Maid in Malacañang’

BEVERLY HILLS, CA. — Alam mo, Dondon (my dear editor), ang sweet ni Direk Darryl Yap, pati na rin ng ibang kasama sa isang Viber chat group namin (‘Maid in Malacañang’ cast and promo staff).

Nang malaman nilang nanood ako, with Tita Mary Ann and Tito Victor Opeña ng ‘Maid in Malacañang’ sa AMC Orange 30 (sa may Orange County pa at malapit sa Disneyland sa Anaheim), nag-thank you sila.

Ang layo naman kasi ng lugar na ‘yon sa lugar kung saan ako naka-stay, kaya effort talaga ‘yon. Pero worth it naman ang panonood namin dahil pare-pareho kaming nagandahan. Like me, naiyak din sina Tita Mary Ann at Tito Victor.

‘Yung ibang mga nakasabay namin sa panonood, obvious na naiyak din, huh!

Nang mag-‘the end’ na ang palabas, aba, palakpakan ang mga nanood. Bongga!

Naka-chat ko nga si Direk Darryl at kinongratulate ko siya at panay ang thank you niya.

Pati si Ruffa Gutierrez, natuwa nang malaman na nagpunta pa ako sa Orange County para manood. Kahit si Karla Estrada, nag-message rin sa akin at nag-thank you. Sabi ko sa kanya, nakakaaliw siya sa ‘Maid in Malacañang’.

Nang padalhan ko si Tita Annabelle Rama ng picture habang nasa loob kami ng sinehan, tinawagan niya ako agad sa WhatsApp para tanungin kung ano ang reaksiyon ng mga Pinoy na nakasabay namin sa panonood?

“Positive, Tita. Saka may iba pa nga na kasama ang mga asawa nila na Amerikano. Nagtiyaga sa pagbabasa ng subtitles,” chika ko.

“Tama ka pala, nakakaiyak ang movie!”

“Oo naman, hanggang ngayon, kahit paulit-ulit ko nang napanood, naiiyak pa rin ako. Kinongratulate ko nga uli si Direk Darryl, eh,” sey pa ni Bisaya.

Dagdag pa ni Bisaya, “Isinulat mo na ba ‘yung sinabi ni Boss Vic (del Rosario) na magdadagdag pa ng mga sinehan sa Amerika?”

Sa contract signing nga kasi ni Ruffa bilang talent ng Viva Artists Agency ay napag-usapan ang ‘Maid in Malacañang’ at nabanggit nga ng big boss ng Viva Films na dahil sa request ng mga Pinoy sa Amerika, madadagdagan pa ang mga sinehan dito kung saan palabas nga ang certified box-office hit na pelikula tungkol sa last 72 hours sa Malacañang Palace ng pamilya Marcos noonf February 1986.

Bongga!

Boss Vic pabor sa RuffTek

May mga tsismis na after Ruffa, ang rumored boyfriend naman daw niyang si Herbert ‘Bistek’ Bautista ang susunod na pipirma ng kontrata sa Viva Films at Viva Artists Agency, huh!

Aba, kung ganoon, magkakatotoo ang hinala ng ibang entertainment press na magkakaroon ng pelikulang pagsasamahan sina Ruffa at Bistek.

How exciting!