WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

LET topnotcher 18 beses muna nabigo

Isang ginang ang nagpatunay na walang imposible sa isang taong hindi sumusuko.

Ayon sa kuwento ng netizen na si Diane Asanza David, ang kanyang kasama sa review center na si Mary Grace Zulueta ay inabot ng 18 subok sa Licensure Examination for Teachers (LET) bago makapasa nitong Enero 2022.

Ang kuwento ni Zulueta ay ibinahagi ni David sa Facebook nitong Agosto 5.

“Nakita namin kung gaano mo pinaghirapan ma’am Mary Grace Millama Zulueta itong board exam na ito. Nag-aalaga ka ng mga anak, nagtuturo ng mga bata, pagkatapos ng trabaho, diretso sa pag-aaral for Board Exam,” saad sa post ni David.

“Maraming pagsubok ang hinarap natin sa review, kulang ang pamasahe, pagod sa pagtuturo, absent sa school, Naligaw pa tayo nang magkasama ta­yong mag-file for Board exam. Dumagdag pa ang pandemya,” kuwento pa ni David.

Nagbunga naman ang pagsisikap ni Zulueta dahil paglabas ng resulta ay top 2 siya sa rating na 92.60%.

“Ma’am Mary Grace Millama Zulueta ikaw ang nagpatunay na ang pangarap, hindi sinusukuan,” dugtong pa ni David. “Ang lisensya, hindi lang basta ipinagdarasal, sinasamahan iyan ng pagsusumikap, sakripisyo at walang sawang pag-aaral.” (Joven Delantar)