WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Lagim sa Batong Evil House

Mga Ka-Misteryo nakapasok na ba kayo sa haunted house? Paano kung hindi lang Ito haunted kundi evil house.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Raffy ng Muntinlupa ay biglang napa-message sa Misteryo at tinanong ang tungkol sa kanyang karanasan na akala niya ay panaginip lamang.

Misteryo: “Ano ba yung nabanggit mo evil house ang napasok mo?”

Raffy: “Oo evil house nga. Sa simula peaceful pa ang situation sa isang batong bahay na nasa gilid ng kalsada. Kasama ko ang gf ko na psychic para bang kailangan namin matulog doon. At first, pagpasok namin may caretaker na sumalubong sa amin then hinayaan na kami doon. Akala namin kami lang nasa batong bahay pero nung nag-aayos na kami ng gamit may biglang pumasok na binatilyo parang galit siya at bumubulong hanggang sa pumasok sa isang room may kinuha at lumabas.”

Misteryo: “Parang dream nga ang dating nyan Raffy. Ano sumunod na nangyari? Nakatulog ba kayo ng gf mo?”

Raffy: “Sinabihan ako ng gf ko baka dun sa kabilang room kami kasi yung area namin na tutulugan ay living room kasi dumaan sa amin yung binatilyo. Then after that may mga dumating na group of people na magto-tour sa stone house. Na-discover namin na malaki pala yung bahay sa loob.”

Misteryo: “Sumama ba kayo dun sa group of people? Ano ang napansin niyo sa loob ng bahay?”

Raffy: “Natakot ako kasi biglang naging marumi ang bahay magulo sa loob maraming kalat. Na-realize ko parang abandoned house siya pero Bakit pinupuntahan ng tao?”

Misteryo: “Oo nga no bakit andaming tao? Teka sumama kayo sa mga tao di ba? Ano nakita niyo?”

Raffy: “May pinasok kaming malaking area sa loob parang malaking museum sa loob may mga weird sculptures like gargoyles, human monsters, weird din kasi sa tabi na-attract ang gf ko sa malalaking vinyl recordings. Kung iisipin mo parang museum ng Ripley’s Believe it or Not? I hope you know that show.”

Sa susunod tunghayan natin ang nakakila-kilabot na pangyayari sa karanasan ni Raffy at iba pang tao sa loob ng evil stone house.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on