WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Kris pinaligaya ng mga Pinoy sa Bahrain

Appreciated much ni Kris Bernal ang mainit na pagtanggap, pagpapahalaga sa kanya ng mga Overseas Filipino worker (OFW) habang siya ay nasa Bahrain.

Taos pusong pasasalamat ang kanyang ipinaabot sa mga itinuturing na mga bagong bayani nang iparamdam nila sa aktres ang Filipino hospitality, kaya naman kahit nasa ibang bansa si Kris ay feel at home pa rin siya.

“Ang sarap sa pakiramdam na makapagpasaya ng kapwa Pilipino. Ang sarap maging Pilipino (PH flag+heart emoji),” post ni Kris sa kanyang Instagram.

Nag-upload siya ng video compilation ng pag-aasikaso sa kanya ng ating mga kababayan habang nag-stay siya sa Ritz-Carlton hotel. Sinorpresa siya ng Pinoy staff roon ng magarbong setup. May mga cakes, delicacies na specially made kay Kris, may mga nagbigay ng flowers, letters, smoothie, at sa kuwarto niya ay may garland pa, saying “welcome to Bahrain, Kris!”

Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga ito sa kanyang IG post.

“I feel truly blessed for our kababayan’s hospitality and efforts,” say pa ng aktres.

Tunay ngang nasaang panig ka man ng mundo, may Pinoy na handang umalalay sa kanilang kababayan. (Batuts Lopez)