WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Kahawig ko naman si Rayver’ Julie anne super bet ni Mcoy Fundales

Super talented talaga si Mcoy Fundales, ha!

Imagine, mula sa pagiging miyembro (gitara) ng ‘Orange & Lemons’, naging manunulat sa telebisyon (sitcom na Pepito Manaloto).

At malamang maging direktor na rin ng mga sitcom sa GMA 7, ha!

Pero bago `yon, singer rin siyempre si Mcoy, at bongga nga ang single niyang ‘Ang Forever Ko’y Ikaw’ na siya ang sumulat, kumanta.

At wish nga niya, na sana sa susunod na kanta niya, maka-collab naman niya si Julie Anne San Jose.

“It’s either sumulat ako ng kanta for her, or kumanta ako with her. Good choice si Julie Anne.

“At saka, kahawig ko naman si Rayver! Hahahaha!” hirit ni Mcoy.

Siyanga pala, naniniwala si Mcoy na mas matindi ang kumpetisyon ngayon na namamayani na rin ang mga online singers, o yung mga mang-aawit na nagku-compose at pinu-post lang nila sa kanilang mga social media account, at sumisikat nga.

Mas nakatutulong daw ito para mas maging masigasig ang lahat sa paglikha ng magagandang kanta.

“Yes, number one dapat maganda ang material mo. Dapat alam mo rin kung ano ang gusto ng marami. Dapat alam mo rin kung saan ka magaling. Hindi ka dapat maging trying hard,” say pa ni Mcoy.

Anyway, kung mabibigyan ng pagkakataon si Mcoy na magdirek ng pelikula, bet niyang pagsamahin sa isang madramang kuwento sina Pokwang, Eugene Domingo, Ai-Ai delas Alas.

“Ang gusto ko kasi, makita silang nagpapaiyak, hindi `yung nagpapatawa lang. Dapat drama.

“Noong bata ako, ang mga pelikula nina Dolphy ang napapanood ko, na comedy talaga ‘yon, laugh out loud talaga. Pero may dalawa o tatlong eksena sila na magdadrama sila at bibilib ka talaga.

“Even Michael V., comedy siya, pero magaling madrama.

“Sanay na tayo na nakakatawa sila. Pero, pag nagdrama sila, ang gagaling. Dream ko `yon!” sabi ni Mcoy. (Dondon Sermino)