WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ivana type ‘manlalake’ sa bagong bahay

Atat, sabik na ba talaga si Ivana Alawi sa ‘lalake’? Gustong-gusto na ba talaga niyang magkadyowa?

Sa latest YouTube content ni Ivana, ang ‘Cleaning My New House’ House Tour ay panay ang chika niya tungkol sa lalake.

Sabi ni Ivana, lahat daw sila ay may kanya-kanya na ring bahay. Parang nagsarili na rin daw sila.

Pero, sa bagong bahay na pinagawa niya, nilagyan pa rin niya ng kuwarto ang mga kapatid niya, at nanay niya.

“May mga room pa rin sila dito sa bahay ko. So, wala silang kawala sa akin. Hahahaha!

“Parang gusto lang naming na may sarili kaming place. Na parang, puwede akong manlalaki! Hahaha!

“Joke lang! Hindi ako manlalalake.

“Kasi lagi naman silang nandidito. So, hindi talaga puwede.

“May mga kuwarto nga sila rito. Kaya hindi talaga sila makakawala sa akin.

“Parang gusto ko lang sabihin na ito na muna ang magiging place ko. Pero, place rin namin ito. Hahahaha!” natatawang sabi ni Ivana.

Anyway, nag-feeling ‘yaya’ nga si Ivana sa content niyang `yon. Pinakita niya kung paano maglinis ng bahay.

Mula sa sala, hanggang sa kusina, at siyempre sa kuwarto. Ang bongga rin ng paglilinis niya ng toilet, ha!

Kinuwento rin ni Ivana na ang mga kahoy na gamit sa loob ng bahay ang kinahihiligan niya. Mula sa lamesa sa sala, hanggang sa dining, malalaking kahoy talaga.

Kaloka lang na ang lamesa ni Ivana sa kusina ay 12 katao ang bumuhat sa sobrang laki, bigat.

Pero siyempre, maaliw ang mga boylet sa vlog na ito ni Ivana, dahil habang naglilinis siya, naka-sando lang siya at hinila pa sa likod para mas lumabas ang hubog ng kanyang katawan. At siyempre, wala siyang bra, ha!

Simple but terrible ang tawag ni Ivana sa outfit niyang `yon, na halos dumudungaw nga ang boobey niya, ha!

Ang landi-landi rin niya habang nagpupunas ng lamesa, na parang nang-aakit, ha!

“Okey ka lang?” tanong ni Mona kay Ivana.

“Bakit ganun? Dapat kasi lalake ang nagvi-video, eh!” patabog na chika ni Ivana.

Oh, di ba? Dinadaan na lang ni Ivana sa pagbibiro ang tungkol sa ‘lalake’. Pero sa totoo lang, ang suwerte ng magiging ‘lalake’ ni Ivana dahil kumpleto na siya, may bahay na, may mga sasakyan, at may mga gamit pa, at siyempre, ipong datung sa banco.

Hahahaha! (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on