WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Ilang kalsada apektado ng Cavite Extension project

Nagbigay abiso ang Department of Transportation (DOTr) na magsasagawa ng pagsasara sa ilang kalsada sa bahagi ng Ninoy Aquino Avenue ngayong weekend dahil sa pagkukumpuni ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT)-1 Cavite Extension Project.

Sa advisory, sinabi ng DOTr na ang northbound at southbound lanes sa Ninoy Aquino Avenue malapit sa Imelda Bridge ay pansamanatalang isasara sa trapiko simula alas-6:00 ng gabi, Biyernes, August 19 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw, Lunes, August 22.

Pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta gaya ng kapag northbound: Kuma¬nan sa Old Sucat Rd. C5 Extension Rd. Multinational Ninoy Aquino Ave. (Duty Free); Left Turn to Kabihasnan (Victor Medina St.) Quirino Ave. or Cavitex Coastal Rd.

Kung pa southbound naman: Kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. AMVEL Ninoy Aquino Ave. (Air Force One/PCP Station 3) o kaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. Old Sucat Rd. exit (headquarters/Brgy. San Dionisio Hall) U-turn sa Palanyag Quirino Ave. Kabihasnan (Victor Medina St.) Ninoy Aquino Ave. (Kiko Cueto)