WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Grabe sa pakilig’ Belle halos malusaw sa titig ni Donny

Hindi na maitago ang kung anoman na namamagitan ngayon sa mgaka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Mas lalo na sa kanilang trip sa U.S. kasama ang iba pang Star Magic artists. Inseparable ang dalawa at kahit sa mga post nila, sa mga kuhang picture ni Donny, ‘di mawawala sa subject si Belle.

Obvious na naging espesyal sa kanilang dalawa ang recent trip nila. Ang daming kinikilig sa ipinost na picture ni Donny sa Instagram kunsaan, nasa Yamashiro Hollywood sila at nakatitig si Donny kay Belle.

May pa-caption pa ito na, “First tour with you, and you did amazing as usual. Here’s to more tink!!!”

Nag-reply si Belle rito na, “Proud of you, here’s to more nato!!!”

Hindi lang mga fan ang kinikilig sa DonBelle, pati mga Kapamilya star, hindi maitago ang kilig sa kanilang dalawa.

Si Janine Gutierrez na napa-comment na, “DonBelle here.”

Habang sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay nag-comment ng mga heart emojis.

Marian sinasamba ni Dong

Napapa-“sana all” at “goals” ang mga comment ng netizens bukod sa sagad ang kilig, lalo na ng mga fan ng mga Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa halos ipagsigawan na ka-sweetan ni Dingdong sa kanyang misis.

Daig pa ni Marian ang debutante sa nakaraang birthday celebration, with Dingdong as his escort of course.

Parang mga bagong kasal lang din kaya naman si Dingdong, wagas ang pagpapakilig sa kanyang socmed account. Nag-post ito ng picture niya habang pinapanood si Marian na bumababa sa hagdan na napapaligiran ng mga bulaklak.

Napa-reminisce ang host ng GMA-7’s “Family Feud” sa mismong araw na ikinasal raw sila at lumalakad si Marian sa simbahan.

Sey ni Dingdong, “Me looking at her walking down those stairs reminds me of how she marched on that majestic aisle 8 years ago.”

Baby ni Dimples nagpalipad ng eroplano sa Australia

Katanggap-tanggap naman ang pagiging “high” ng actress na si Dimples Romana sa mga achievement ng kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee.

Sa edad na 18 nga naman, independent living na ito sa Gold Coast, Australia at ilang beses na nakapagpalipad ng eroplano.

Sa Instagram, sa kabila ng pagmamalaki niya at naa-amaze sa mga nagagawa ng anak at her age, inamin ni Dimples ang pag-aalala rin na baka raw hindi na nito nae-enjoy ang kanyang kabataan.

Pero, sa nakikita raw niya sa anak, happy ito sa kung ano ang ginagawa.

Sey niya, “Proof of life from my future Captain.

“Ate Callie is the only girl in her batch of student pilots. Brooke is one of her instructors. What a proud moment for us. Lagi kong pinapaalalahanan to just never forget to be a kid. She’s only 18 but with how fast her school has been training them in flying, I always worry she may not be having as much fun in the process.

“Don’t get me wrong, I’m all for being all serious with school and college. Pero, bata pa lang din sya. Her youth only comes once. But thankfully, every day she proves me wrong. I guess, it really is possible then, to do what you love, fly high and still have tons of fun.”

Sa isang banda, palagi rin nagpapasalamat si Dimples sa provision daw na natatanggap at nasusunod nila ang mga pangarap ng mga anak.