WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Dingdong naaliw sa mga basketbolistang ibon

Ngayong Linggo, panibagong adventure na naman ang ihahatid ni Dingdong Dantes sa ‘Amazing Earth’, gamit ang hidden camera, sa “Spy in the Wild: Love.”

Una na nga ang “Killer Kapitbahay!” na engkuwentro ng mga aso at lion.

Siyempre ang “Lagot Ka sa Nanay Ko!” na ipakikita kung paano alagaan ng Nile Crocodile ang kanyang anak.

Sa “Baby Bardagol!”ay mapapanood ang mommy elephant to raise their herd’s calf for 14 long years.

Sa “Habulan sa Bangin!” ay mapapanood ang mga juvenile female langur monkey.

Sa “Magnanakaw ng Halik!” ay ipakikita ang laban ng mga dog alpha male dahil lang sa pagnanakaw ng halik sa asawa.

At siyempre pa, ipakikilala ni Dingdong ang dalawang matagumpay na nilalang na ang isang tambak na basura ay ginawang vegetable plot ng isang abugado.

At bongga rin ang African lovebirds na tinuruang mag-basketball, gymnastics ng Pinoy owner na si Angelo Sionco from Bataan! Aliw na aliw nga si Dingdong sa mga ibon.

Ang ‘Amazing Earth’ ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez, at napapanood tuwing Linggo, bago ang “24 Oras Weekend.” (Dondon Sermino)