WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Coronavirus sa NCR pababa

Nasa downtrend na ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) matapos na makapagtala ng one-week growth rate na -9%.

Ito ang kinumpirma ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, kung saan hanggang noong Agosto 17, 2022, nakapagtala na lamang ang NCR ng 845 bagong kaso, base sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ang 7-day average sa rehiyon ay bumaba sa 1,173, para sa average daily attack rate na nasa 8.14 per 100,000 population mula sa dating 8.70 noong Agosto 14.

Nalaman na ito ay 0% na mas mababa sa 7-day ave¬rage noong Agosto 10, para sa one-week growth rate na -9%. (Juliet de Loza-Cudia)