WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Cone magmamando kontra Lebanon, Saudi

GIGIYAHAN pansamantala ni 2019 Southeast Asian Games (SEA) gold medalist at Barangay Ginebra coach Timothy Earl “Tim” Cone ang nalalapit na dalawang laban ng Gilas Pilipinas kontra Lebanon at Saudi Arabia sa FIBA World Cup 2023 Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Beirut at sa Manila.

Isiniwalat ng source mula Samahang Basketbol ng Pilipinas na napagkasunduan ng coaching staff ang pagtatalaga sa assistant coach na si Cone para manduhan ang binubuong 24-kataong national pool bunga ng pagkaabala ng head coach na si Vincent “Chot” Reyes na sasagupa sa kampeonato ng PBA Philippine Cup.

“Coach Tim will handle the Gilas Men’s team on August 25 in Beirut, Lebanon and on August 29 here in Manila for the fourth window of the FIBA Asian Qualifiers,” ayon sa source.

Ang 2-time grand slam coach at huling nagbigay ng gintong medalya sa pagho-host ng bansa sa SEA Games noong 2019 na si Cone ay nagsimulang sumama sa ensayo ng Gilas noong Agosto 15.

Una nang ginawa ng SBP at Gilas Pilipinas ang paghawak ng isa sa mga assistant coaches nito sa pagtalaga kay Serbian-Australian na si Nenad Vucinic sa pagsabak sa Tall Blacks ng New Zealand at India.

Una nagpahayag si Reyes na prayoridad nito ang Gilas Pilipinas bagaman nahati ang responsibilidad nito matapos na makatuntong ang nagtatanggol na kampeong TNT Tropang Giga kontra San Miguep sa best-of-seven na kampeonato na nakatakda magsisimula sa Linggo, Agosto 21, at direktang tatama sa laro ng Gilas. (Lito Oredo)