WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Christine nasarapan sa romansa ni Chloe

Isang eksena na hinding-hindi raw tatangkaing gawin ni Christine Bermas sa tunay na buhay ay ang makipag-tsugian sa kapwa babae.

Pero, sa pelikulang ‘Lampas Langit’ na dinirek ni Jeffrey Hidalgo, napapayag siyang makipaglampungan nang todo-todo kay Chloe Jenna.

Sa teaser pa lang, makikita mo na agad kung paano paglaruan ng dila ni Chloe ang korona ng boobey ni Christine, ha!

“Alam ni Direk Jeffrey na ‘yon ang pinakaayaw ko talaga. Hindi ko akalain na magagawa ko pala with Chloe. Actually, instrument siya kung bakit ko nagawa. Kasi pareho naman naming first time gawin `yon.

“Hindi naman ako nagsisi na ginawa ko ‘yon with Chloe. Nag-enjoy ako kay Chloe! Hahahahaha!” natatawang sabi ni Christine.

Hirit ni Direk Jeffrey, ‘So may next time pa?’

“Pag si Chloe. Hahahaha!” sagot ni Christine.

Inamin naman ni Direk Jeffrey na sa script ay mas ‘tame’ ang eksena. Pero, kailangan nga raw niyang patindihin `yon, para mas ma-confuse ang mga manonood.

Pero pagmamalaki ni Direk Jeffrey, hindi mabibigo ang mga barako sa pelikula. Kaelya-elya raw talaga ang ‘Lampas Langit’, ha!

Pitong taon na raw niya itong nilalako, kaya ngayong naaprubahan ng Viva ang ‘Lampas Langit’ sinigurado niyang tinodo niya ang lahat.

At bongga naman, dahil bukod sa dalawang sexy star, may Milana Ikimoto pa na palaban din, at siyempre, Baron Geisler at Ricky Davao, ha! (Dondon Sermino)